"Ganitong-ganito rin ang naganap noong 2004 na kung saan pangulo pa ng Philhealth si Duque. Hindi malayong si Duque rin at si Pangulong Arroyo ang nasa likod sa diumanong suhol ng Pfizer sa Malacanang para ikutan ang bagong batas hinggil sa pagpapababa ng presyo ng gamot," paglalantad ni Garry Martinez, pangulo ng Migrante International.
Kamakailan ay ibinulgar ni Senate President Juan Ponce Enrile na ang Pfizer ay nagbigay diumano ng suhol sa pamamagitan ng pag-aalok ng 5 million discount cards na nagkakahalaga ng 100 million para sa DOH.
" Philhealth cards noon, Pfizer discount cards naman ngayon. Noong 2002, sa pamamagitan ng isang memorandum para kay Pangulong Gloria Arroyo, ipinalilipat ni Duque ang P530 M mula sa pondo ng OWWA para magamit sa eleksyon noon," dagdag ni Martinez.
Binanggit din ng grupo na ayon sa nasabing memo ni Duque, ang aktwal na nakasulat sa ingles ay,"It is respectfully requested that the Proposed Executive Order (EO) be approved by Her Excellency before the year ends. The Proposed transfer will have a significant bearing on 2004 elections and on the President's desire to provide health insurance to 8M indigents by end of 2003."
"Sariwa pa sa alaala ng lahat nang magpamudmod ng Philhealth cards si Pangulong Arroyo noong 2004 eleksyon. Pawis at dugo ng mga OFWs ang ginamit nila rito para lamang pabanguhin si Pangulong Arroyo," sambit ni Martinez.
Kamakailan ay naiulat na sumadsad na naman diumano ang popularity rating ni GMA sa -31. Kaagad itong kinontra ng Malacanang sa pagsasabing ito ay kagagawan ng mga paninira ng mga kritiko ni Pangulong Arroyo.
"Matatapos na lang ang termino ni Pangulong Arroyo ay ipagkakanulo pa pati ang kalusugan ng mamamayan. Malinaw na ito ang iiwanang pamana ni Pangulong Gloria Arroyo sa 9 na taon niyang panunungkulan – pandaraya sa eleksyon at pangungulimbat sa kabang yaman ng bayan,"pagsasara ni Martinez.###
No comments:
Post a Comment