Note: forwarded email message
Mga pwedeng pang gawin ng OFW at Pinoy abroad para makatulong sa Pilipinas bukod sa pagpapadala ng remittance. Mula sa librong KAPENG ARABO:
Kung magbabakasyon, piliin ang ilang lugar sa Pinas. Napuntahan mo na ba ang world-class resorts ng Bora, Palawan, Puerto Gallera, Pagudpod, Dakak, at Camiguin? Nabisita mo na ang UNESCO heritage site ng Vigan at Fort Ilocandia? Naramdaman mo na ba ang calmness ng isla ng Batanes? O makalaglag-pangang wonders ng Bohol? Nasubukan mo na bang maglangoy kasama ng whale sharks ng Sorsogon? Hindi natin kailangan pang gastusin ang pera natin sa ibang lugar. Sa ‘pinas na lang, solve ka na. In the end, tayo pa rin ang makikinabang.
Gawin misyon ang makapag-recruit ng at least 1 turista sa ‘Pinas sa buong OFW lifetime. Malaking tulong ito sa industriya ng turismo.
Kung bibili ng damit o gamit, gawin mo na sa Pinas. Isipin na lang kung may isang milyong Pinoy na nagbabakasyon sa isang taon, at bibili ng tig-iisang damit. Aba ! Laking tulong sa namumuhunan. Mas ok kung Pinoy product pa. Pero kung foreign brand naman, sa Pinas mo pa rin bilhin. At least sa Pinas pa rin papasok ang tax non.
Sa Pinas na rin bumili ng pasalubong. Halos lahat naman ng meron sa labas ng bansa, mayron na rin sa atin.
Kung may extra ka rin lang naming pera, pag-aralin ang kamag-anak o kung sino mang napipisil mong walang kakayanan. O kung wala ka namang kamag-anak, puwedeng sumangguni sa mga organisasyong may katulad na layunin.
Magtayo ng negosyo sa Pinas kahit maliit lang. Huwang munang asamin kumita ng malaki, basta mapaikot lang ang puhunan. Isipin na lang muna na training ito para mas malaking business venture sa future.
Hindi natin kailangan gumawa ng malalaking effort para makakuha ng malaking results. Kadalasan pa nga ang pagkalunod natin sa malalaking undertaking ang pumapatay sa hangarin nating makagawa ng magagandang bagay. Dapat simulan natin sa mga simple lang. Mga simpleng bagay pero may malalim na kahulugan.
No comments:
Post a Comment