Give donation to Consortium

Wednesday, November 25, 2009

OFW and their families go on early Christmas caroling; asks Supreme Court to expedite ruling on party-list representation

 

 

As the battle for party-list representation of millions of Overseas Filipino Workers shift to the courts, member of Migrante today delivered Christmas carols on the doorstep of the Supreme Court to ask for the immediate issuance of a Temporary Restraining Order (TRO) on COMELEC's decision to de-list the party-list group from the 2010 elections.

 

"We remain optimistic that the Supreme Court will put an end to the COMELEC's mocking of the Party-list System Act. We believe that the court will grant the Christmas wish of our 'modern-day heroes,' which is to be given the chance to gain representation in Congress," said Connie Bragas-Regalado, Migrante Party-list chairperson.

 

Members of the group sang "Sa Supreme Court" to the tune of "Sa May Bahay," with the lyrics: "Sa Supreme Court ang aming bati/ Merry Christmas na maluwalhati/ Ang hustisya nawa'y maghari/ Para ang Migrante'y makatakbo muli." They also sang "Comelec" to the tune of "Jingle Bells," with the lyrics: "Comelec, Comelec  bakit dinelist/ Sa mga tatakbo, Migrante Party-list?/ Hey, Comelec, Comelec bakit nagpasulsol/ Sa dikta ng Palasyo at sa among ulol?"

 

In its petition for a TRO filed last November 20, Migrante said that the Comelec's de-listing did not follow due process as stated in Section 6 of the Party-list System Act, and that the reason used by Comelec for de-listing Migrante was not among the grounds enumerated under the said law.

 

"If the Supreme Court can abandon the first-party rule in order to ensure that marginalized sectors earn well-deserved seats in Congress, surely it can trash a Comelec ruling that is clearly illegal, baseless, and politically-motivated against known critics of the government," Regalado added.

 

The group said that the Supreme Court must release its decision before the December 1 deadline of the filing of party-lists' manifestations of their intent to run.

 

"The court should consider the TRO as a Christmas gift not only to OFWs, but to Philippine democracy that is under attack by the Comelec's obvious move to block the participation of progressive party-lists from the 2010 elections," said Regalado.

 

The migrant leader reiterated that OFWs from Migrante chapters abroad will continue to conduct protests should the government continue to deny them the chance for representation. ###

_________

 

 

 

 

Mga OFW at pamilya nag-caroling sa

Supreme Court para hingin ang TRO sa pagkaka-delist ng Migrante

 

Ngayong ang laban para sa representasyon sa party-list ng milyon-milyong mga OFW ay nasa korte na, nag-caroling ang Migrante sa Supreme Court para hingiin ang mabilis na paglalabas ng Temporary Restraining Order  sa desisyon ng Comelec na i-delist sila sa listahan ng mga party-list na makakatakbo sa eleksyon sa 2010.

 

"Umaasa kami na wawakasan ng Supreme Court ang pambabalasubas ng Comelec sa Party-list System Act. Naniniwala kami na pagbibigyan ng mataas na korte ang kagustuhan ng mga 'bagong bayani' na magkaroon ng representasyon sa Kongreso," sabi ni Connie Bragas-Regalado, tagapangulo ng Migrante Sectoral Party.

 

Inawit ng mga kasapi ng Migrante ang "Sa Supre Court" sa tono ng "Sa May Bahay," na may lirikong: "Sa Supreme Court ang aming bati/ Merry Christmas na maluwalhati/ Ang hustisya nawa'y maghari/ Para ang Migrante'y makatakbo muli." Inawit rin nila ang  "Comelec" sa tono ng "Jingle Bells," na nagsasabing: "Comelec, Comelec  bakit dinelist/ Sa mga tatakbo, Migrante Party-list?/ Hey, Comelec, Comelec bakit nagpasulsol/ Sa dikta ng Palasyo at sa among ulol?"

 

Sa kanilang isinumiteng petisyon para sa TRO noong Nobyembre 20, sinabi ng Migrante na ang pagdedelist ng Comelec ay hindi sumusunod sa "due process" na nakasaad sa Section 6 ng Party-list System Act, at ang batayang ginamit ng Comelec para tanggalin ang Migrante ay hindi nasusulat sa nabanggit na batas.

 

"Kung nabasura noon ng Supreme Court ang 'first-party rule' para tiyaking ang mga sektor na marginalized ay makakuha ng representasyon sa Kongreso, tiyak na kakayanin rin nitong ibasura ang isang desisyon ng Comelec na malinaw na iligal, walang basehan, at may motibasyong pulitkal laban sa mga grupong kritikal sa administrasyong Arroyo," sabi ni Regalado.

 

Sinabi ng grupo na kinakailangang ilabas ng Supreme Court ang kanilang desisyon bago ang Disyembre 1, ang huling araw para sa pagpasa ng mga party-lists ng manipestasyon sa paglahok sa eleksyon.

 

"Ang TRO mula sa korte ay nararapat na pamasko hindi lamang sa mga OFW kundi sa demokrasya ng Pilipinas na ngayon ay inaatake ng Comelec sa pamamagitan ng panggigipit nito sa mga progresibong paryt-list tulad ng Migrante,"ani Regalado.

 

Sabi pa ni Regalado na handa ang mga OFWs, mula sa 23 balangay nitong nakakalat sa buong mundo, na magtuloy-tuloy ng protesta kapag tinuluyan ng pamahalaan ang hindi pagbibigay ng pagkakataon sa mga migrante na magkaroon ng representasyon. ###

 

----------------------------------------------------------

 

 

 

Sa Supreme Court
(sa tono ng Sa may Bahay)

Sa Supreme Court an gaming bati
Merry Christmas na maluwalhati
Ang hustisya nawa'y maghari
Para ang Migrante'y makatakbo muli

Ang sanhi po ng pagparito
Hihingi po ng T-R-O
Kung sakaling kami'y perwisyo
Pasensya na kayo, tuso po si Melo

Ang wish ko ay T-R-O (3x)
Migrante'y makatakbo

 

Comelec (sa tono ng Jingle Bells)

Chorus:

Comelec,  comelec  bakit dinelist

Sa mga tatakbo, migrante partylist?

Hey, comelec,  comelec bakit nagpasulsol

Sa dikta ng palasyo at sa sa among  ulol?

 

Halatang-halata

Melong pulitika sa pagkakadelist ng aming partylist

Dahil Migrante ang lumalabang tunay

Sa pagpapabaya ng gubyerno sa OFW

 

Chorus

 Mahal na Supreme Court sanay inyong dinggin

Ang TRong hiling sanay bigyang pansin

Upang makatakbo at mabigyang tinig

Ang OFW't pamilya nya dun sa konggreso

 

Hustisya hustisya sa OFW

Supreme Court , supreme court

Maglabas ng TRO

 

No comments:

Post a Comment