Office of the President
of the
Malacañang
MGA PANUKALANG BATAS NA KASAMA SA LEGIS AGENDA NI P-NOY NASALA NA NG MGA MIYEMBRO NG GABINETE
INIHAYAG noong Martes ni Executive Secretary Paquito N. Ochoa, Jr. na natukoy na ng Gabinete ang 32 panukalang batas na ipapasa kay Pangulong Noynoy Aquino bago ang nakatakdang pulong ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) sa katapusan ng buwan.
Tinipon ni Ochoa kamakalawa ang mga miyembro ng Gabinete para sa isang palihan na idinisenyo para tukuyin ang mahahalagang panukalang batas na isasama sa Priority Legislative Agenda ng administrasyon.
“The priority legislative measures we have crafted are consistent with the President’s social contract with the Filipino people,” ani Ochoa. “We want to ensure that this administration succeed in addressing this with the help of Congress.”
Ang mga layunin ng priority legislative agenda ay ang mga sumusunod:
· Pagsugpo sa kahirapan at pagkakaroon ng malusog, edukado, at makapangyarihang mamamayan;
· Pagsusulong ng produktibidad, pangangalap ng empleyo, at pagtiyak na mayroong sapat na pagkain;
· Paghikayat para sa pagkakaroon ng mas maraming public-private partnership at pag-iral ng isangcompetitive policy environment;
· Pagtatanggol sa ating kalayaan, pagtiyak sa seguridad, at pagsunod sa batas; at
· Pagpapalakas sa kapasidad ng burukrasya na makapamahala.
Ayon sa Executive secretary, 139 panukalang batas ang inihain ng mga miyembro ng Gabinete sa palihan at 41 naman ang ipinasa ng Joint Foreign Chambers of Commerce of the Philippines.
Ang mga naturang panukalang batas ay nakabatay sa limang cluster na ang bawat isa ay kumakatawan sa isang critical area, ani Ochoa.
Ang mga pinuno ng limang cluster ay sina Vice President Jejomar Binay, Human Development; Economic Secretary Cayetano Paderanga Jr., Economic Development; Public Works Secretary Rogelio Singson, Infrastructure Development; Justice Secretary Leila De Lima, Rule of Law; at Ochoa, Good Governance.
Kanyang sinabi na ang Office of the Executive Secretary, Presidential Legislative Liaison Office, at iba pang ahensiya ng gobyerno ay magsasagawa ng pagrepaso sa mga panukalang batas at bibigyan nila ng konsiderasyon ang rekomendasyon ni Budget Secretary Butch Abad na pag-aralan kung ano ang magiging epekto nito sa pondo ng gobyerno.
“Once this study is done and the President goes over the proposed measures and approves them, we will make the necessary preparations for the first LEDAC meeting together with NEDA (National Economic Development Authority), the LEDAC Secretariat, as well as make public the specific measures that will make up our Priority Legislative Agenda,” ang paliwanag ni Ochoa.
Idinagdag ng Executive Secretary na naniniwala ang administrasyon na sa tulong ng Kongreso ay madaragdagan o di kaya ay mas mapapahusay pa ang mga panukalang batas na ipapasa rin naman sa mga mambabatas.
No comments:
Post a Comment