Give donation to Consortium

Monday, June 30, 2008

Liham mula kay Victor Martin

Mabuhay!
Isa po akong ofw na ksalukuyan ngayong nasa bansang Korea. Ako po ay 33-taong gulang mula sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.
Ako po ay dinalaw ng aking kaibigan sa hospital nitong Linggo matapos mamalagi sa loob ng isang buwan dahil sa aksidente habang nagtratrabaho. Sa kanyang pagdalaw ay my dala siyang magazine at iniwan nya pra may mapaglibangan akong basahin at dito ko nakita ang artikulo na may petsang october 31, 2007 tungkol sa Philippine Dairy Industry.
Ako po ay agad na nagkagusto sa nasabing programa o negosyo sa kabila ng lahat na wala akong sapat na kaalaman tungkol dito.ngayon pong nakalabas ako sa hospital ay agad kong naiisip na sulatan kayo.
Kung bigyan po nyo ng pagkakataon nais ko po sanang malaman ang kasagutan sa ilan kong mga katanungan.
-paano po ang mag invest sa dairy industry
-magkano ang initial investment ng isang katulad ko
-ano po ang mga hakbang na dapat sundin
-gaano po katagal bago my babalik sayo mula sa iyong investment
-may seguridad po ba ang investor na di malugi ang kanyang puhunan
-kailangan ko po bang dumalaw mismo sa inyong tanggapan para mag invest
-kung hindi paano po ang MOA- paano po lalago ang investment (baka po pwede mgbigay kayo ng computation)
-kung may mga impormasyon na sa palagay nyo ay kailangan ko pang malaman paki paliwanag na rin po.marami pong salamat at sana mapabilang akong isa sa matagumpay nyong programa.
God Bless you all.

Victor Martin
(Liham sa pamamagitan ng e-mail)

No comments:

Post a Comment